this would be an experimental post on my writing in Filipino. yes, i speak fluently but my weakness is in writing using the language. i just remembered how my professor (Atoy Navarro) was frustrated because according to him, the UP system should implement a rule that each student should take Filipino in their curriculum. he also added that a student should not be able to graduate without taking up Filipino because afterall, we are a state university. in his class, we are required to write his papers in Filipino which makes it hard for me. but he also said that if you are a good writer you'd be able to write well whether in English or Filipino.
i remember one time in freshman year when i had to write an article in Filipino (it was Linggo ng Wika). i ended up not being able to write long article but i wrote a short one for a column instead.
so, here it goes! (to non-Filipino readers: sorry. you won't be able to understand what i wrote).
_____________________
Ngarag sa Pagaaral
ayoko na mag-aral. ako nga lang ba ang nakakaramdam ng ganito o isa nga lang ba itong "phase" na dinadaanan ng isang ngarag na estudyante tulad ko?
araw araw pinipilit ko gumising ng maaga bago palang sumikat ang araw para makarating sa klase ng tamang oras. minsan iniisip ko gusto ko itulog nalang. kaso maiisip ko na nakaka-guilty naman kung di ako papasok. kaya naman sa bigat ng katawan ko, binubuhat ko pa rin ang sarili ko at inuudyok ang utak para maglakad patungo ng banyo.
kapag panahon ng mga exams at quizzes, umaandar nanaman ang katamaran ko. pero bakit nga ba kahit ganito ako katamad eh napapansin ko panay naman ako ng kayod para mapasa ang mga klase ko?
ah, dahil may ambisyon ako. siguro nga ang isang diploma ay isang papel lamang pero ito na rin siguro ang "ticket" ko para lumipad sa kung saan man ako dadalhin ng hangin. tulad nga ng nabanggit ko, kahit gano ako katamad mag-aral eh kayod pa rin ako dahil alam ko na makakabuti din ito sa akin pagdating na panahon. lahat naman ng magagandang bagay napapaghirapan di ba? kaya nga nandito ako sa eskwela ko dahil pinaghirapan ko ito at pinagsunugan ng kilay. bakit pa ako titigil ngayon na nasa ikatlong taon na ako sa pagaaral sa unibersidad?
sabi nga ng tatay ko, "bunso, sana hindi ka magsawa sa pag-aaral" matapos na ipaalam ko sa kanya na magpupuyat nanaman ako dahil sa isang pagsusulit sa klase. naisip ko din na ang diploma ko ang mabibigay kong regalo para sa mga magulang ko na hinubog ako sa kung sino ako ngayon at kung saan ako nakarating o makakarating. ang kapirasong papel na tinatawag na diploma na iyon ang paraan ko para makapag pasalamat sa lahat ng ibinigay nila sa akin tulad ng suporta at pagmamahal nila.
kaya aalis na ako ngayon at ilalayo ang aking sarili sa PC dahil kailangang mag-aral para sa isa nanamang pagsusulit.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home